Monday, July 27, 2009

Napanood mo ba ang SONA ni PGMA? Ako kasi hindi eh...

------------------------------------------------------------------------------------------
-------------------------------------o-O-o----------------------------------------


Bago ako pumunta sa school kaninang umaga, may nakita na ako agad na mga banners na nagsasabing, No to CHA-CHA, No to Con-As, etc. Because of this, I felt na seryosong rallies na naman ang magiging dahilan ng traffic, lalo na sa Metro Manila.

Well, alam ko namang importante sa ngayon ang SONA, lalo pa't ang dami-daming issues na binabato sa administration, pero, di ko lang alam bakit tinamad akong manood. Kasi naman alam ko ring may summary 'to mamaya sa news. At ang highlight: ang bilang ng palakpak kay Gloria - Palakpak para sa mga bagay na insignificantly done, masabi lang na may nagawa s'ya at may mga balak pa s'ya para sa Pilipinas.

I'm not sure pero parang nagplaplastikan na lang silang lahat. Yung mga supporters nya, either talagang sa kanya kumakampi noon pa, or sa kanya na lang dumidikit to feed their personal interests. Kanya-kanyang paraan lang yan.

And the opposition: Ayun. Continuous pa rin ang battle agains what they think about her and her toxic governance.

Last week lang, ang USC (University Stuident Council) sa UP Baguio ay nagset-up ng funeral-type setting sa lobby. Para kay Gloria. For her Lies. Aginst CHA-CHA. For Democracy. Against her tactics.

By Friday, nagkaron pa ng program about this. (Pero di ako sumali. Wala lang uli.)

(University of the Philippines, Baguio City)
-July 21-24, 2009-

Di ko na talaga alam kung may future pa tayo. If she says something, usually di naman natutuloy. And kung meron mang naa-accomplish, sobrang big deal na sa kanya. Then she constantly set aside other things. Sana lang iba yung NEXT President. My fingers are crossed to that.

2 comments:

  1. uu ako npanuod ko, aasenso pa tayo maniwala ka,problema lang di natin alam kelan,hehe

    ReplyDelete
  2. yes,...
    ewan nga eh,...
    nakikibagay pa sya at nakapurple...haha
    sana nga umasenso tayo///

    ReplyDelete