CHA-CHA is our ENEMY!
Di CHA-CHA ang solusyon!
Edukasyon!
Di CHA-CHA ang solusyon!
Edukasyon!
Edukasyon, edukasyon!
Karapatan ng mamamayan!
Karapatan ng mamamayan!
Edukasyon, edukasyon!
(Ito ang mainstream cheer kung may rally or walk-out sa school)
...yan ang sigaw ng Student Council, iba't ibang organizations and students na sumali sa malawakang walk-out kahapon habang nililibot nila ang buong university at naghihikayat ng iba pa na makisali. Nakakabinging nga pito na halos nag-eecho na sa tenga ko kahit nakalagpas sa sila sa Secretary's Office sa CSS kung nasan ako nung mga oras na yun. "Walk-out! Walk-out! Walk-out! Walk-out!" May post din pala na sinabing magsuot ng pula. So ayun, ang dami ngang naka-red kahapon...at and dami ding di sinasadyang nakapagsuot ng red. Pero ako, para maiba naman, blue ang jacket na suot ko. Haha... Terno kami nila Sir Ang.Karapatan ng mamamayan!
Karapatan ng mamamayan!
Edukasyon, edukasyon!
(Ito ang mainstream cheer kung may rally or walk-out sa school)
Though di ako nakasama kasi may duty ako kahapon sa CSS, pinaniniwalaan ko naman yung pinaglalaban nila. During the whole week, ang daming posts sa school and announcements para mahikayat kahat ng mga estudyante na sumama. May mga pinamigay pa ngang whistles na nakaplastic at may papel sa loob na nagsasabing:
"Ipito mo, hinaing mo....."
Basta may iba pang nakasulat na nagsasabing inaasahan nila na tutumog ang pitong ito bawat 11:09 ng umaga bilang protesta kontra CHA-CHA...basta ganun yung concept.Kaso naisip ko lang, di na rin yun nagmukhang walk-out (ooooops, SC peeps and friends and everyone, chillax lang ha...) ang nangyari kasi nagcancel na rin ng classes yung nga Profs and instructors. So parang red-bannered rally/parade yung nangyari kasi in the first place, di rin naman pumasok yung mga students...(Buti na lang 2 lang subjects ko kahapon, Econ 141-research break, at MS 11-group meet lang for presentation on Wednesday). Kasi nga may teacher na rin na nagsabi, "You cannot walk-out unless you've walked in." Tama nga naman...
Di ko sure kung gano katagal nangyaru yung walk-out ang kung san sila nakarating. Sabi kasi ng friend kong SC na si Mark, lalabas daw ng school and pupunta somewhere at tatagal daw hanggang 4pm yun. Kaso naman umulan nung bandang hapon kaya di ko na rin alam kung ano na nga yung nangyari.
Di ko naman napanuod yung news pero sabi ng housemate ko, napaTV daw yun sa ABS-CBN Northern-Luzon and pinakita yung walk-out sa buong school. Sana lang makaaboy kay Glorya 'tong mga ganitong movements. Sana lang di masayang ang effort ng marami. Sana lang di natuloy ang CHA-CHA.
No comments:
Post a Comment